MGA DI-PANGKARANIWANG SALITA SA FILIPINO NA MAAARING HINDI NINYO ALAM!
- Carrot 09
- Sep 27, 2017
- 2 min read
Madalas nating napapansin na nahihirapan ang mga dayuhan na pag-aralan ang ating lengguahe. Tayong mga pilipino ay eksperto sa ating lengguahe, ngunit lingid sa ating kaalaman natin na may mga salitang dapat pa nating pag-aralan at bigyang pansin.
Baka ilan sa mga ito ay hindi na natin alam o pamilyar man lamang sa paggamit nito. Tulad
ngayon marami ng nauusong mga salita tulad ng bekimon, jejemon at iba pa dahil dito nakakalimutan na rin natin ang tunay na wikang Filipino na dapat ay ating pang aralin dahil may dapat pa tayong malaman tungkol sa ating wika.
Narito ang sampung halimbawa ng mga di-pangkaraniwang ginagamit o hindi mo pa nalalaman na salita sa Wikang Filipino na maaaring makatulong sa inyo.
1.
Salita: Miktinig
Kahulugan: Ang Miktinig ay isang instrumento na may sensor at may kakayanang palitan o baguhin ang tunog at mapalakas ang boses. Ito ay kadalasang ginagamit sa mga pulong, okasyon at iba pang seremonya.
Halimbawa: Mas mapapaganda ang iyong awitin kapag ito’y ginamitan mo ng miktinig.
2.
Salita: Haynayan
Kahulugan: Aghambuhay o sa Ingles ay BIOLOGY
Halimbawa: Hannah tapos mo na ba ang proyekto mo sa haynayan.
3.
Salita: Pantablay
Kahulugan: Tsarjer , Teknolohiya na nagkakarga ng baterya.
Halimbawa: Ronny!! Dinala mo yung pantablay mo?
4.
Salita: Sulatroniko
Kahulugan: Ang Sulatroniko ay systema na kung saan ay nag hahatid ng mensahe gamit ang teknolohiya. Sa pamamagitan nito ay mabilis na nakakarating / natatanggap ang mensahe na isinulat ng taga pag padala.
Halimbawa: Mabilis kong matatanggap ang isusumita mong aplikasyon sa pamamagitan ng sulatroniko.
5.
Salita: Pang-ulong hatinig o HEADSET sa Ingles
Kahulugan: Ang Pang-ulong hatinig ay isang aparato na ginagamit upang madinig ang mga gustong pakinggan ng isang tao na siya lamang ang makakarinig.
Halimbawa: Ang pang-ulong hatinig na iyong binili ay bago at kalalabas lang dito sa ating bansa.
6.
Salita: Panginain
Kahulugan: Ang Panginain ay ginagamit upang makahanap ng mga impormasyon sa ‘internet’.
Halimbawa: Makakahanap ka ng maraming impormasyon ukol saiyong proyekto sa pamamagitan ng panginain.
7.
Salita: kahindik-hindik
Kahulugan: ang ibig sabihin ay nakakatakot
Halimbawa: Kahindik-hindik ang nangyari sa Marawi.
8.
Salita: Hunsoy
Kahulugan: Ito ay isang sigarilyo na mataba at hindi nauubos dahil ang lalagyan ay isang bakal.
Halimbawa: Hunsoy ang biniling regalo ni Marco para sa kanyang lola.
9.
Salita: Badhi
Kahulugan: Guhit sa palad ng tao at palatandaan ng kapalaran.
Halimbawa: Tinignan ng manghuhula ang badhi sa kamay ni Judy.
10.
Salita: Alimpuyok
Kahulugan: Amoy ng kaning nasusunog.
Halimbawa: Naamoy ni Aling Marta ang alimpuyok ng niluluto ng kanyang anak na si Nene.
Panoorin ang maikling pagtuturo kung paano basahin ng tama ang mga salita.
Comments